Financial Highlights

As of June 2018

Total Assets   1.82 B
Loan Receivable (Net)   855.88 M
Portfolio at Risk (PAR 1)   7.75%
Portfolio at Risk (PAR 30)   4.58%
Deposits Liabilities   1.19 B 
Other Liablities   26.87 M 
Member's Equity    443.08 M
Gen. Reserve Fund   87.56 M 
Net Surplus   32.99 M
Gross Revenue   79.78 M
Coop. Pesos Rating    85.00% 
Membership
Regular   30,799
Associate   1,401
Youthbee   2,794
Smarteens   717
Total Membership   35,711

PMES

ONE ON ONE PMES

  • Monday-Friday
  • 8:00AM-5:30PM

 

SCHEDULED PMES

  • Saturday
  • 8:00AM-11:30AM

Holidays

                   2018

Feb 16 (FRI)

    - Chinese New Year

Feb 25 (SUN)
    - Edsa Revolution
      32nd Anniversary

Mar 29 (THU)
    - Maundy Thursday

Mar 30 (FRI)
    - Good Friday

Mar 31 (SAT)
    - Black Saturday

Apr 09 (MON)
    - Day of Valor

May 01 (TUES)
    - Labor Day

Jun 12 (TUES)
    - Independence Day

Aug 21 (TUES)
    - Ninoy Aquino Day

Aug 27 (MON)
    - National Heroes Day

Nov 01 (THU)
    - All Saints Day

Nov 02 (FRI)
    - Additional Special
      (non-working) holiday

Nov 30 (FRI)
    - Bonifacio Day

Dec 24 (MON)
     - Additional Special
       (non-working) holiday

Dec 25 (TUES)
     - Christmas Day

Dec 30 (SUN)
     - Rizal Day

Dec 31 (MON)
     - Last Day of the
       Year

August 2018
Mo Tu We Th Fr Sa Su
30 31 1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31 1 2

Visitor Counter

Today
This Week
This Month
TOTAL
955
1941
16245
872846

new articles

San Jose Koop at SAMAKA: Magkapatid na Kooperatibang Nagtutulungan para sa Kaunlaran

by Richard Avena

samaka

Isa sa mga prinsipyo ng kooperatiba ang “Principle No. 6 - Cooperation among Cooperatives”. Dito, pinapahalagahan ang konsepto ng “No man is an island”, na hindi tayo mabubuhay nang mag-isa lamang. Hindi lamang ito angkop sa mga tao, kundi maging sa mga kooperatiba. Walang kooperatiba ang mabubuhay kung nag-iisa lamang, kailangan natin ang makipag-ugnayan sa ibang kooperatiba upang mas lumakas. Sabi nga sa Cooperative Pledge, “Alone I am weak, but with others I am strong.”

Bilang pinakamalaking kooperatiba sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, ang SAN JOSE KOOP ay may pananagutan na tulungan ang mas maliit nitong mga kapatid na kooperatiba. Isa sa mga nakitang dapat na suportahang kooperatiba ay ang SAMAKA na nasa Brgy. Kaybanban na binubuo ng mga magsasaka at ang pangunahing produkto ay ang pag-aani ng pinya at ibang mga gulay at prutas, paggawa ng pineapple wine, pineapple vinegar at iba pang agricultural products na ipinagmamalaki ng lungsod. Napakahalaga ng pagsasaka sa isang pamayanan, dahil kung wala ang mga magsasaka, wala tayong kakainin sa ating mga hapag.

Sa pakikipag-ugnayan sa City Cooperatives Office ng Lungsod sa pangunguna ni Gng. Leonila C. Daza ay pumasok sa isang Memorandum of Understanding upang mapagkalooban ang SAMAKA ng isang service vehicle na kanilang gagamitin sa pagbili ng kanilang mga raw materials at pagde-deliver ng kanilang mga finished products. Ito ay nilagdaan sa panig ng SAN JOSE KOOP ng ating BOD Chair Romeo A. de Jesus at CEO Caroline D. Dave, at sa panig ng SAMAKA ng kanilang BOD Chair Richard Dela Cruz at GM Carmelo Javines, na sinaksihan ng City Cooperative Officer Leonila C. Daza at mga opisyales ng dalawang kooperatiba.

Dahil ang SAMAKA ay nasa “upland barangays” ng lungsod, ang naturang service vehicle ay malaki ang maitutulong para mas mapalago pa ang negosyo ng SAMAKA lalo na sa paghahatid ng kanilang produkto pababa sa mga pangunahing merkado sa lungsod. Nakapaloob sa MOU na ang naturang sasakyan ay ipapagamit ng SAN JOSE KOOP nang walang kaukulang bayad (usufruct agreement), at ang SAMAKA na ang bahala sa pagpapagasolina, paggamit at sa pangangalaga nito. Katuwang din ang City Cooperatives Office sa pagmo-monitor ng wastong paggamit ng naturang sasakyan “for productive purposes and for official use only” at inaasahan na mag-uulat ang SAMAKA kung ano ang naitulong ng pagkakaroon ng sariling service vehicle sa kanilang kooperatiba.

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng paggamit ng Community Development Fund ng SAN JOSE KOOP na layuning mapaunlad ang komunidad. Mithiin ng SAN JOSE KOOP na makipagtulungan at makipag-ugnayan pa sa ibang mga kooperatiba at mga samahan sa ating lungsod para sa pagpapaunlad ng ating pamayanan. Mabuhay ang Kilusang Kooperatiba sa ating lungsod, sa buong Pilipinas at sa buong mundo!

Latest Articles:

Archived Articles: