Frequently asked questions
Ang San Jose Koop ay isang kilusang pampamayanan para sa tulong pinansyal na pagmamay-ari, pinangungunahan at tinatangkilik ng mga kasapi nito. Ito ay binubuo ng mga taong may iisang layunin: upang magkaroon ng mas dekalidad na buhay sa pamamagitan ng pag-iimpok ng magkakasama at pagpapahiram ng pondo sa mga kasapi na may mababang tubo nang makatulong sa pag-unlad ng kanilang mga negosyo o anumang mapagkukunan ng kanilang kita at upang mabago ang kanilang panlipunang kamalayan.
Ang Kooperatiba ay pagmamay-ari ng mga kasapi nito. Kung saan, sila ang pinakamakapangyarihan tuwing may Pangkalahatang Pagpupulong.
KATANGIAN SA PAGSAPI
- 18 taong gulang pataas
- Filipino Citizen
- Naninirahan/Nangungupahan sa nasasakupan ng Luzon;
- Empleyado ng Pamahalaan o may Bahay- Kalakal sa nasasakupan ng pamamahala ng Luzon
KINAKAILANGAN SA PAGSAPI
- Dumalo sa PMES (Pre-Membership Education Seminar)
- 2 ID Pictures
- Kopya ng 2 valid ID
- Fees:
- Php 6,750 – Regular Membership
- Php 1,950 – Minimum Membership
- Bayad ang kabayaran sa pagsapi at ang minimum na bahagi ng kapital na kinailangan sa pagsapi
- Hindi nagpapabaya sa pagbabayad ng kanyang pananagutan sa mga pautang bilang ng ika-31 ng Disyembre bago ang araw ng Pangkalahatang Pagpupulong;
- Hindi lumabag sa kahit anumang batas pangkooperatiba, mga inilabas pang-administratibo ng CDA, Artikulo ng Kooperasyon at mga By-Law nito, mga tuntunin at kundisyon sa pagsang-ayon at mga pagpapasiya, patnubay at regulasyon na pinalaganap ng Lupon ng mga Direktor at ng buong samahan.
- Dumalo sa Pangkalahatang Pagpupulong at taunang pagtangkilik sa mga produktong pautang at pag-iimpok ng Kooperatiba alinsunod sa mga patakaran at patnubay.
- Dapat ay dumalo sa nakaraang taunang Pangkalahatang Pagpupulong maliban sa mga sumusunod:
- sa mga naospital na pinatunayan sa pagpapakita ng hospital bill
- sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa na pinatunayan sa pagpapakita ng passport
- at sa mga may nasawi na kamag-anak hanggang ikalawang antas ng pagkakamag-anak. Ito ay dapat maipagbigay-alam sa kooperatiba sa loob ng 15 araw pagkatapos ng araw ng Pangkalahatang Pagpupulong
- Taunang tinatangkilik ang mga produkto ng pautang at pag-iimpok ng kooperatiba maliban sa mga kasapi na 70 taong gulang at pataas.
- Damayan/Damay-Impok Program (Life Insurance Benefit)
- Discounts from San Jose Koop Business Partners
- Damay-Impok Advances
- Business Signage Program
- Free Check-Up at San Jose Koop Clinic
- Group Insurance
- Sponsored Zumba as part of Health and Wellness Program
- Allowance for Members entitled to vote during General Assembly
- Funeral Wreath for Deceased Member
- Discounted Laboratory Tests
- Medical Mission
- Dental Awareness Program
- Scholarship Program for Member’s Children
- Free Livelihood Training / Seminar
Ang bahagi ng kapital ay kumikita ng 8% hanggang 12% kada taon at ang pinakamalaking halaga na maaaring ideposito dito ay katumbas ng 10% ng kabuuang halaga ng pag-aari ng San Jose Koop.
Ang inaasahang dalas ng paghuhulog sa Damay-Impok Savings ay kada dalawang buwan. Ang mga halaga na ikinakaltas sa Damay-Impok Savings ay napupunta sa pinagsama-samang mga pondo na inilalaan bilang suportang-pinansyal o abuloy sa mga naiwang benepisyaryo ng mga pumanaw na kasapi.
- Para sa mga MIGS, isang araw kung kumpleto ang mga lagda ng kasapi at mga co-maker
- Para sa mga kasaping unang beses pa lamang manghihiram, isa (1) hanggang dalawang (2) linggo kasama ang CI at pagkukumpleto ng mga kinakailangang dokumento